Buong Taong Programa para sa Kalusugan, Inilunsad ng MWF

Upang mas lalong mapalawig at mapaigting ang pagsulong ng wastong paghugas ng kamay at matiwasay na kalusugan sa mga kabataang Pilipino at sa mga taong responsable sa paghubog ng kanilang kamalayan ay inilunsad ng Manila Water Foundation (MWF) ang programang “Health in Our Hands” sa Quirino Elementary School sa Anonas, Quezon City.

Ang bagong programang na kaloob ng mandato ng MWF na may kinalaman sa water education ay naghahangad na lalong pasidhiin ang halaga ng pansariling kalinisan o personal hygiene sa pagapapanatili ng magandang pangangatawan at kalusugan sa pamamagitan ng pangbuong-taong kampanya sa mga paaralan at komunidad. Tampok sa pagapapasinaya ng nasabing programa na dinaluhan ng higit 300 mga mag-aaral at guro ay ang masaya at interaktibong pagtuturo ng pitong hakbang ng wastong paghuhugas ng kamay at ang mga oras kung kailan dapat itong gawin. Bukod dito ay nagkaroon din ng hand painting, handwashing at pledging na sumisimbolo sa pakikiisa ng lahat ng dumalo sa pagsasabuhay at pagsusulong sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan na nagsisimula sa malilinis na mga kamay.

Ang kahalagahan ng kampanyang ito ay ipinagbunyi ni MWF President Ferdinand Dela Cruz na ipinaliwanag din ang naging motibasyon ng kanilang organisasyon sa paggawa ng programang ito. “Noong nakaraang taon ay ipinagdiwang naming sa buong buwan ng Oktubre ang “Global Handwashing Day.” At ngayong taon nga ay napagasyahan namin na dapat ang kaalaman sa tamang paghuhugas ng kamay ay hindi lamang sa buwan ng Oktubre. Kaya minarapat namin na palawigin ang programang ito sa pamamagitan ng Health in Our Hands program. Buong taon kaming magtuturo ng wastong paghuhugas ng kamay upang lalo pang patibayin ang adhikain ng Manila Water Foundation,” sabi niya.

Ang pahayag na ito ni Dela Cruz ay sinegundahan naman ni Soroptimist International (SI) of the Philippines Governor Maria Tumaneng Rosario na ibinahagi rin ang misyon ng kanilang organisasyon kaakibat ang pagsuporta sa mga programang makakatulong sa kabataan.

Ang SI, sa pamamagitan ng kanilang Congressional Club, ay nagkaloob ng handwashing facility sa Quirino Elementary School matapos lapitan ang MWF upang humalili sa pagtuturo ng tamang paggamit nito para masiguradong maging daana ng pasilidad sa pagiging malusog ng mga mag-aaral na gagamit nito. Ang pagpapasinaya ng nasabing donasyon na mapapakinabangan ng halos 3,000 mag-aaral, guro at kawani ng paaralan ay parte ng programa noong araw na iyon.

“Ang tema namin para sa milenyong ito ay ang pagbigay ng malinis at ligtas na tubig sa mga kababaihan, matanda man o bata, at ang paglinang mga kaalamang dapat nilang taglay sa pagkakaroon nito alinsunod sa aming tagline na ‘Water is wealth for women.’ Kaya naman kami ay nagpapasalamat sa pagkakataon na maging kaakibat ang Manila Water Foundation na may kapareho naming pananaw at adbokasiya. Ang pasilidad na aming ipinagkaloob ay isang regalo dahil alam naming isa sa mga pinakamainam na paraan para makapagpabago ng buhay ay sa pamamagitan ng tubig,” pahayag ni Rosario.

Para naman magtuloy-tuloy ang pagbibigay tulong at kaalaman ay nag-iwan ng mga information education and communication materials ang Manila Water Foundation kasabay ng mga libro mula Scholastic na isa sa mga aktibo nitong kasangga. Dahil dito ay pawing mga salita ng pasasalamat ang namutawi sa punung-guro ng Quirino Elementary School na si Gng. Maricris Santos. “Isa kami sa pinakamapalad na nilalang sa mundong dito. Kahit papatapos na ang taong ito ng pag-aaral ay mayroon pa ring napakalaking regalo na ibinigay ang Manila Water Foundation at Soroptimist International para sa aming paaralan. Ang handwashing facility, mga kaalaman at aklat na ibinigay sa amin ay narito upang kami ay laging maging malinis at malayo sa sakit,” sabi niya.

Naroon din sa pagapapasinaya si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na isa ring miyembro ng Soroptimist International at taga-suporta ng Manila Water Foundation na nagbigay ng makabuluhang mensahe ng panghihikayat sa mga mag-aaral na lalong pangalagaan ang kanilang kalusugan. “Ayon sa mga pag-aaral, ang mga kabataan ay madaling dapuan ng germs at ‘yan ang dahilan ng kanilang pagkakasakit tulad ng sipon, ubo at pagsakit ng tiyan. At ang kalutasan sa mga sakit na ito ay ang tamang paghuhugas ng kamay. Kaya naman ang mensahe ko sa mga kabataan ay palagi silang maghugas ng kamay upang mapanatili ang kalusugan,” saad niya.

Ang “Health in Our Hands” ng MWF ay dadalhin din sa iba pang mga paaralan sa Metro Manila sa mga susunod na buwan.

Manila Water Foundation formally launched its “Health in Our Hands” program via an inaugural event conducted at Quirino Elementary School last March 17, 2017. The event also served as the formalization of MWF’s partnership with Soroptimist International of Congressional who donated a handwashing facility for the school.

In this photo are (L-R) Soroptimist International of Congressional President Judy Gutierrez, Soroptomist International of the Philippines Governor Maria Rosario Tumaneng, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Quirino Elementary School Principal Maricris Santos and Manila Water Foundation President Ferdinand Dela Cruz.

More than 300 pupils from grades 1 to 3, who all learned about the importance of making handwashing part of their lifestyle, attended the pilot run of the “Health in Our Hands” program at Quirino Elementary School.

Through MWF’s “Health in Our Hands” program, the advocacy on proper handwashing can be shared to more individuals all year-round.

By sharing the same advocacy of providing clean water for all, Manila Water Foundation and Soroptimist International explore the possibility of conducting the same engagement in other schools in the future.

Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na isa ring miyembro ng Soroptimist International at taga-suporta ng Manila Water Foundation ay nagbigay ng makabuluhang mensahe ng panghihikayat sa mga mag-aaral na lalong pangalagaan ang kanilang kalusugan.