"Paskong Pinoy" Idinaos ng LCF

dec2010_GAparty_tiny
Alinsunod sa temang “Paskong Pinoy”, ang pagdiriwang ng LCF noong Disyembre 19, 2010 sa AIM Conference Center ay pinuno ng kasiyahan, musika, at pasasalamat.

Nagsimula ang hapon sa isang misa ng pasasalamat na pinamunuan ni Padre Larry Tamonan, SDB. Sumunod ang pamaskong pahayag mula sa VP for Programs na si Bb. Gisela Tiongson-Velasco na nagbigay-pugay sa mga katuwang ng LCF bagaman tahimik na naglilingkod.

Ibinalita naman ni Bb. Cecile Alcantara, President eng LCF, ang mga bunga ng Strategic Planning Session, pangunahin na dito ang pinaayos na Vision, Mission, at Positioning ng LCF. Sumunod sa kanya ang mga Committee Chairs na sina Agnes de Jesus (Environment), Mario Deriquito (Education), Maurice Ligot (Health), Suzanne Yupangco (kinatawan ni Laurie Javier ng Arts and Culture), Camille Buenaventura (kinatawan ng CSRI), at Rondell Torres (kinatawan ni Junie del Mundo ng Communications), na nagbahagi ng mga plano para sa taong 2011 ng bawat grupo.

Kaakibat sa mga pagbabago sa LCF, inilunsad ni Bb. Cecile Alcantara ang bagong mukha ng LCF website na pormal na magbubukas sa Enero 2011. Ipinakilala din ni Bb. Linda Atayde, VP for Membership, ang bagong kasapi ng LCF, ang TELUS Philippines.

Inanyayahan din ng LCF ang kanyang mga kasapi na makibahagi sa “Paskong Ligtas sa Batanag Kalye”,  isang gawain ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD) na mabigyan ng ligtas na pasko ang mga batang kalye.

Kasama sa masarap na handaan ang pagtatanghal ni Prof. Felipe de Leon at ang korong Harana ng munting talakayan ukol sa mga awiting pamasko ng mga Pilipino. Halos hindi paalisin ng mga makikinig ang grupo sa kagustuhang mapakinggan ang mga tugtuging Pilipino.

Sapagkat hindi nawawala ang LCF raffle, nais pasalamatan ng LCF ang mga sumusunod na kasapi sa kanilang mga ipinamahaging biyaya: AMY Foundation, Ang Hortaleza Foundation, Andres Soriano Foundation, Coca-Cola Foundation, EDC, Insular Life Foundation, Jollibee Foundation, Lopez Group Foundation, Manila Water, Metrobank Foundation, MFI Foundation, MSD, Petron Foundation, San Miguel Foundation, TeamAsia, TeaM Energy Foundation, Toyota Motors Philippines Foundation, UCPB-CIIF Foundation.